P40M inuwi ng sari-sari store owner

lotto for site
Isang 50-anyos na lalaki na mayroong sari-sari store ang nag-uwi ng P40.8 milyong jackpot prize ng Grand Lotto 6/55 noong Oktobre 26.
Ang nanalo ay mayroong dalawang anak at taga-Cavite. Siya ang nag-iisang nakakuha sa mga numerong 8-14-27-34-38-45. Hindi niya pinili ang numero kundi tumaya siya ng lucky pick o makina ang hinayaan pumili ng tatayaan. May 11 taon na umano siyang tumataya sa lotto at P60 ang itinaya ng manalo.
Plano niyang bumili ng sariling bahay at lupa. Palalakihin din niya ang kanyang negosyo at magtatabi para sa kinabukasan ng kanyang mga anak.

Read more...