MATAPOS tangkilikin ng mga Pinoy ang children’s book nila ng bag designer na si Rocio Olbes, tips naman sa pagpapaganda ang ibabahagi ng misis ni Sen. Chiz Escudero na si Heart Evangelista sa kaniyang ila-labas na “This is Me, Love Marie” beauty book.
Excited na ibinalita ni Heart ang kanyang bagong project sa mga follower niya sa Instagram. Ayon sa bida ng GMA Telebabad series na Beautiful Strangers, magbibigay siya ng mga makeup tips, skincare secrets, at maging love confessions sa naturang libro.
“I am excited to share with you all my tried-and-tested makeup and skincare secrets in a book! This Is Me, Love Marie is a special project filled with simple, helpful makeup tricks, easy skincare how-tos, and confessions on life and love.
I wrote some handy tips and did a few doodles in it, too!,” sabi ni Heart sa kaniyang IG na @iamhearte.
“The book will be available in stores very soon. Stay tuned for further announcements,” dagdag pa ng Kapuso aktres.
Proud na proud naman ang kaniyang mister na si Chiz sa mga project ng aktres. Sabi ni Chiz, todo suporta siya sa asawa kahit busy ang senador sa kaniyang trabaho sa Senado at kampanya bilang vice-president.