2 tagasuporta nina Alden at Maine nagkainitan sa social media

alden richards

Nakakaloka ang ilang fans ni Alden Richards. Lumalabas kasi na hindi nila feel si Yaya Dub for their idol. Nabasa namin ang comment sa isang online portal kung saan nagbangayan ang fans ng dalawang TV personalities.

Kung babasahin ang ilang comments ng mga ito, halatang may kinikimkim silang galit kay Yaya. Imbiyerna sila dahil hindi raw sinuportahan ng fans ni Yaya si Alden during his album launch.

Ang say ng nag-comment na guy, binoykot ni Maine Mendoza ang album launch ni Alden. Well, sila-sila na ngayon ang nagbabangayan, sila-sila na ang nag-aaway.

May nag-comment naman na baka raw hindi tunay na AlDub nation ang nag-away-away na fans dahil palagi naman daw silang pinaaalalahan ng kanilang mga idol na goob vibes lang ang pairalin at huwag nang mag-entertain ng kanegahan.

Naibalik na ang lahat ng social media accounts ni Yaya pero how true na natatakot ang fans niya dahil baka merong pasabog na lumabas against Yaya?

Nag-aalala kasi ang mga fans ng dalaga na baka merong mga pictures of long time ago na hindi pa artista si Yaya na biglang bumulaga sa social media.

Since na-invade na raw ang privacy ni Yaya ay hindi malayo na may maglabas ng photos niya in the past.
Teka, bakit naman kayo matatakot? Hindi ba’t sanay na kayo na kinukuyog n’yo ang bashers ng idol n’yo?

Read more...