KathNiel pinatunayang matindi pa rin ang bisa ng ‘magic’

daniel padilla

Pumalo sa national TV ratings at tatlong araw na trending sa social media ang matinding confrontation scene sa Pangako Sa ‘Yo noong Bi-yernes (Oct. 30) kung saan i-pinagtanggol ni Yna (Kathryn Bernardo) at ibinunyag ang katotohanan sa likod ng panggagahasa kay Amor Powers (Jodi Sta. Maria) noon.

Ayon sa datos ng Kantar Media, nagtala ng national TV rating na 34.5% ang episode kung saan inamin ni Yna na magkasabwat sina Claudia (Angelica Panganiban) at Diego (Bernard Palanca) sa panghahalay ng huli kay Amor upang tuluyan na itong iwan ni Eduardo (Ian Veneracion).

Natalo nito ang katapat na programa. Sa pagpapatuloy ng kuwento noong Lunes, (Nov. 2), nakakuha din ang Pangako… ng national TV rating na 36.5% kontra sa 16.9% ng kalabang programa.

Dahil nga sa pagsabog ng emosyon ng mga karakter kung kaya’t mainit itong pinag-u-sapan sa Twitter, kung saan naging numero unong trending topic ang hashtag na #PSYPaglantad sa buong mundo.

Sa paglalantad ng katotohanan, tuluyan na ngang iniwan ni Eduardo si Claudia. Mapupuno naman ng galit si Angelo kay Amor dahil sa paniniwala niyang kinokontrol na nito si Yna at sinisira nito ang pamilya niya.

Saan mauuwi ang samahan nina Eduardo at Amor ngayong desidido na si Eduardo na bumawi sa kanyang mga nagawa sa babaeng minamahal? Ano pa ang ibang kayang gawin ni Claudia para paghiwalayin ang dalawa at guluhin ang pamilya ni Yna?

At tuluyan na nga bang mabibilog nina Claudia at Diego ang utak ni Angelo para manatili itong kakampi nila? Ano na ang kahahantungan ng nasira nilang pagmamahalan ni Yna?

Huwag palampasin ang mas kapana-panabik na mga tagpo sa classic love story ng mga Pilipino, ang Pa-ngako Sa ‘Yo, gabi-gabi pagkatapos ng FPJ’s Ang Probinsyano sa ABS-CBN Primetime Bida.

Read more...