Bakit ang anak ni Tsong ang humahawak sa pera ni Alma?

joey marquez

NAKASAMA namin ang napakaganda pa ring si Ms. Alma Moreno nu’ng isang araw sa Luna Room ng Heritage Hotel when she announced sa entertainment media ang kaniyang pagtakbo for a senatorial seat under UNA led by presidentiable Jejomar Binay.

Lovely Ness gained a little weight pero ang kagandahan nito’y very prominent pa rin. Walang kupas and she looks so young pa rin. Kasama niya in full force ang mga anak na sina Yeoj, VJ, Wynwyn and Vandolph who is also running naman for councilor sa Parañaque.

“Lacsamana Alma Moreno ang gamit ko for my candidacy. Hindi kasi puwedeng Alma Moreno lang, kailangang gamit mo ang tunay na apelyido mo sa pag-file kaya para hindi gaanong mahaba, Lacsamana Alma Moreno na ang ginamit ko.

Malaking bagay ang Alma Moreno na dala ko dahil kahit paano ay kilala na ako sa pangalang iyan – hindi na ako gaanong hirap na i-introduce pa ang sarili ko sa public.

“Matagal ko ring pinag-isipan kung tatakbo ako o hindi. Kasi nga ayaw talaga ng mga anak ko nu’ng una. Worried kasi sila sa health ko, pero nang magpa-check-up ako, sinabi ng doktor ko na okay naman, kaya pumayag din sila.

Masayang-masaya ako dahil nandito lahat ng anak ko to support me at napakarami rin namang mga kaibigan tayo who pledged to support me in every way,” ani Ness who has served as councilor of Parañaque for three terms and in fairness to her, she was Secretary General ng Councilors League of the Philippines and eventually became their president.

Marami pa rin kasing nangmamaliit sa pagpasok ng isang artista sa larangan ng pulitika. They think na ang tulad ni Alma ay walang kakayanang magsilbi at magpasa ng napapanahong mga batas.

“Hindi lang ako nagpapa-press release sa achievements ko sa politics. Ang tingin kasi ng iba ay dati lang akong First Lady ng Parañaque at konsehal lang na hindi puwedeng mag-level up.

May mga pangarap din akong mag-serve sa bansa natin kaya ako tumakbo for a higher position. Gusto kong tutukan ang karapatan ng kababaihan, lalo na ang mga biktima ng pang-aabuso. Isa iyan sa priorities ko,” sabi sa amin ni Ness.

In fairness to Alma, napakarami na niyang nagawa para sa bayang ito, hindi lang sa Parañaque kungdi sa buong kapuluan. She has served as a good example sa kaniyang mga kapwa konsehal as she presided them over the years.

Nakakainis lang kasi itong ibang mga kalaban niya sa pulitika na pinupukol siya dala ng kakulangan sa pormal na edukasyon, na hindi nakakapagsalita ng malalimang Ingles dahil hindi nga nakapagtapos ng pag-aaral.

Hey! Mas nanaisin pa naming iboto ang katulad ni Alma na hindi man nakapagtapos ng kolehiyo pero may puso naman sa pagsisilbi kaysa doon sa mga nakatapos nga ng dalawang doctorate, limang masteral at kung anu-anong kaek-ekan pero walang ginawa kungdi magnakaw sa kaban ng bayan, ‘no!
“The fact na pinagkatiwalaan ako ng UNA, sa palagay ko naman ay nakitaan nila ako ng potensiyal na maging kahanay nila.

Ayokong mangako ng kung anu-ano. basta pag nandoon na ako pagtatrabahuan ko ito nang husto. Ayokong sirain ang tiwala ng tao sa akin. Malakas ang pananalig ko sa Diyos, gagabayan naman Niya ako sa bawat hakbang na gagawin ko para sa ikabubuti nating lahat,” aniya pa habang hawak-hawak ang isang parang rosaryong gawa sa kawayan na regalo raw sa kaniya ng isang constituent niya.

Through the years ay nasubaybayan namin ang buhay at karera ni Alma Moreno and in fairness to her, napakabait talaga. Mabuting ina sa kaniyang mga anak. Hinahangaan namin ang kaniyang pagiging hands-on mom.

No offense meant, kahit iba-iba ang tatay ng kaniyang mga anak ay napagbuklod niya ang mga ito – nagmamahalan silang lahat. Isa lang ang setback ni Alma kung setback man itong maituturing – ang pagiging sobrang galante.

Mabuti na lang at nandiyan ang anak nila ni Joey Marquez na si Yeoj na humahawak ng pera niya.
“Si Mama kasi, ubos-biyaya rin iyan, eh. Pag pinabayaan mo siya, pati ang kahuli-hulihang singko sa bag niya ay ipamimigay niya.

Okay lang naman sa amin yung mamigay siya nang mamigay pero yung sa tama lang. Kasi nga, sobrang bait niya kaya di niya mapigilang tumulong. Kaya nandito lang ako to help her sa aspetong iyan. I take care of her finances.

And I wish her the best, nandito lang kami to support her in whatever decision she makes. Kung saan siya masaya, nandito lang kaming magkakapatid,” ani Yeoj na napakaguwapo pala.

Patunay lamang na mabuting ina si Alma dahil ang mga anak niya ay nandiyan sa tabi niya sa lahat ng oras. Ang wala lang that day ay si Mark Anthony Fernandez dahil meron itong work sa Pampanga. But of course, they are always in touch.

Kaya tigilan na ang pangmamaliit kay Alma Moreno, hindi hadlang ang kakapusan nito sa pormal na edukasyon to become a good mother and a good public servant. Alam kong mayroon siyang kakayahang maglingkod.

Read more...