City Hall employee patay sa ambush
Nasawi ang isang empleyado ng city hall ng Tanauan City, Batangas, nang pagbabarilin ng mga di pa kilalang salarin kagabi, ayon sa pulisya.
Agad ikinasawi ni Jeffrey Garcia, 31, ang mga tama ng bala sa iba-ibang bahagi ng katawan, ayon sa ulat ng Batangas provincial police.
Nagananap ang insidente dakong alas-8:20, habang minamaneho ni Garcia ang kanyang Toyota Corolla (TFH-168) sa barangay road ng Brgy. Pagaspas.
Pauwi si Garcia mula sa Malvar Cockpit Sports Complex nang buntutan at pagbabarilin ng mga armadong sakay umano ng isang pulang van.
Binundol muna ng van ang likod ng kotse ni Garcia, at nang huminto ang huli’y bumaba ang isa sa mga sakay ng van, nilapitan siya, at pinagbabaril, ayon sa ulat.
Natagpuan ng mga rumespondeng pulis sa pinangyarihan ang limang basyo at isang slug ng kalibre-.45 pistola.
Inaalam pa ng lokal na pulisya ang pagkakakilanlan at motibo ng mga salarin.
– end –
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.