SINUSPINDE ng Sandiganbayan ang hepe ng Quirino Memorial Medical Center at tatlong iba pa kaugnay ng kinakaharap nilang kasong paglabag sa Anti-Graft and Corrupt Practices Act.
Walang matatanggap na sahod sa loob ng 90-araw na suspensyon si QMMC Chief Dr. Angeles De Leon, nurse na si Luz Padua, Nutritionist Dietician Milagrina Jacinto at Medical Technologist Michael Raquel.
Ang suspensyon ay ibinatay sa RA 3019 kung saan nakasaad na sususpendihin ang nahaharap sa kasong graft habang dinidinig ng korte ang kaso.
“(The court) leaves no room for interpretation such that the court has neither the discretion nor duty to determine whether preventive suspension is required to prevent the accused from using his office to intimidate witnesses or frustrate his prosecution or continue committing malfeasance in office,” saad ng desisyon.
Inatasan ang Department of Health upang ipatupad ang suspensyon.
Kinasuhan ng Ombudsman ang apat kaugnay ng maanomalya umanong pagbili ng magnetic resonance imaging machine noong 2004. Ang MRI machine ay nagkakahala ng P44.9 milyon at binili sa Fernando Medical Enterprises, Inc.
MOST READ
LATEST STORIES