SA kasagsagan ng sinasabing “tanim-bala extortion scheme,” dalawa pang pasahero sa Ninoy Aquino International Airport (Naia) ang nahulihan ng bala sa loob ng kanilang mga luugage Miyerkules.
Isang baril na may limang bala ng .22-caliber bullets ang nakuha mula sa hand-carry luggage ng Filipino-American na si Ramon Velasco sa final screening, ayon sa report ng Radyo Inquirer. Patungo sana ng Estados Unidos si Velasco.
Natagpuan din sa bag ng isang 46-anyos na dental assistant na si Rey Salado, na patungo naman sa Cagayan de Oro, ang isang bala. Patungo siya sa lalawigan para sa libing ng kanyang ama.
Gayunman, inamin ni Salado na dala nga niya ang baril at wala naman siyang planong dalhin ito.
“Souvenir po sa akin ‘yan galing Baguio, alam ko namang bawal, hindi ko lang natanggal sa bagahe,” ayon kay Salgado.
Isang press conference din ang isinagawa ng Department of Transportation and Communications (DOTC) sa pangunguna ni Secretary Joseph Emilio Abaya sa NAIA hinggil sa isyu ng “bullet-plating scheme”. Nangako ito na pananagutin sa batas ang sinomang mapatunayan na nasa likod nang nasabing scheme.