James niregaluhan ng puppy si Nadine, pinangalanang Clarky

james reid

ISANG cute na cute na puppy ang birthday gift ni James Reid sa kanyang ka-loveteam na si Nadine Lustre. Ito ang sinasabing sorpresa ng Kapamilya hunk matinee idol kay Nadine na nag-celebrate ng kanyang ika-22 kaarawan noong Linggo, Oct. 31.

Mahilig kasi sa aso ang aktres kaya ito ang naisip ni James na ibigay sa leading lady niya sa Primetime Bida series na On The Wings Of Love.

Kamakailan ay nag-post ng birthday greeting si James sa kanyang Instagram account para kay Nadine at dito nga niya sinabi na may suprise siya kay Nadine pagbalik nito mula sa ilang araw na bakasyon sa South Korea.

At nang maibigay na ni James kay Nadine ang teacup maltese puppy, agad na ipinost ng dalaga sa kanyang IG account ang nasabing tuta na pinangalanan niyang Clarky, ang name ng character ni Jame sa OTWOL.

Read more...