Beermen, Elasto Painters magtutuos

san miguel

Mga Laro Ngayon
(SM MOA Arena)
4:15 p.m. Blackwater Elite
vs Meralco Bolts
7 p.m. San Miguel Beer
vs Rain or Shine

Team Standings: NLEX (2-0); Rain or Shine (2-0); San Miguel (2-0); Alaska (1-0); Barako Bull (1-1); Star Hotshots (1-1) Talk ‘N Text (1-1); Blackwater (0-1); GlobalPort Batang (0-1); Meralco (0-1); Barangay Ginebra (0-2); Mahindra (0-2)

MAGHIHIWALAY ng landas ang mga wala pang talong San Miguel Beer at Rain or Shine sa kanilang sagupaan ngayon sa PBA Philippine Cup sa SM Mall of Asia Arena, Pasay City.

Parehong may dalawang panalo ang Beermen at Elasto Painters pero isa sa kanila ay tiyak na makakatikim ng pag-kabigo ngayong gabi.

Ang Beermen ay pangungunahan ni two-time MVP June Mar Fajardo kasama sina Arwind Santos, Alex Cabagnot at Marcio Lassiter.

Samantala, hindi pa rin makapaglalaro si Paul Lee para sa Elasto Painters dahil sa injury pero mananatiling palaban ang koponan sa pamumuno nina 6-foot-7 Raymond Almazan at Beau Belga na inaasahang maghahalinhan sa pagpigil sa 6-foot-10 na si Fajardo.

Sa isa pang laro, magsasagupa ang Meralco at Blackwater dakong alas-4:15 ng hapon.

Read more...