Utol binoga sa mata


Patay ang isang lalaki nang paputukan ng kanyang kuya ng shotgun sa
mata, sa La Paz, Abra, kagabi.

Dead on the spot si Romel Gandeza, 38, habang ang kuya niyang si
Marlon, 40, ay nasa kostudiya ngayon ng lokal na pulisya, ayon sa ulat
ng Cordillera regional police.

Naganap ang pamamaril sa Brgy. Poblacion dakong alas-9:30, habang
nakikipag-inuman ang magkapatid sa kanilang ama at mga kaibigan.

Napag-alaman na huling dumating sa inuman si Marlon at nakaka-tatlong
bote na ng gin ang kanyang kapatid, ama, at mga kaibigan nito.

Nang nakainom na rin si Marlon ay nagtalo sila ni Romel ngunit sa
una’y napigil ng kanilang ama.

Umuwi si Romel pero bumalik na may dalang itak at hinamon ang kuya, na
kumuha naman ng shotgun at pinaputukan ang una sa mata, ayon sa ulat.

Read more...