Nasawi ang isang matandang lalaki nang pagbabarilin sa kanyang bahay
sa Sariaya, Quezon, kagabi.
Dead on the spot si Zosimo Peñascosas, 64, dahil sa tama ng bala sa
iba-ibang bahagi ng katawan, ayon sa ulat ng Quezon provincial police.
Nakaupo si Peñascosas sa terrace ng kanyang bahay sa Sitio Beringuela,
Brgy. Bucal, dakong alas-6:50 nang pagbabarilin ng di kilalang tao,
ayon sa ulat.
Lumabas sa imbestigasyon na malapitang pinagbabaril ang matanda habang
ito’y nagpapahinga.
Narekober ng mga pulis sa pinangyarihan ang limang basyo at apat na
slug ng di pa mabatid na uri ng baril.
Inaalam pa ang pagkakakilanlan at motibo ng salarin.
– end –
MOST READ
LATEST STORIES