Pinagpapaliwanag ni Leyte Rep. Ferdinand Martin Romualdez ang Office of the Civil Defense kung bakit P38.7 milyon lamang sa P137 milyong donasyon para sa mga nasalanta ng bagyong Yolanda ang ginamit nito hanggang noong Disyembre 2014.
Ayon kay Romualdez posibleng lumaki pa ang halagang hindi ginamit ng gobyerno dahil mayroong mga donasyon na napunta sa ibang ahensya gaya ng Department of Social Welfare and Development.
“That means P98.3 million remains untouched. That amount could have gone a long, long way in providing immediate needs of the victims like permanent shelter and food,” ani Romualdez.
Sinabi ng solon na hindi katanggap-tanggap ang paliwanag ng OCD na hindi nito ibinibigay ang donasyon dahil kulang ang requirement na naipresinta ng mga nasalanta para makatanggap ng donasyon.
“The homes and possessions of the victims were either destroyed or severely damaged by ‘Yolanda,’along with scores of government offices. So how can the OCD expect them to have complete requirements?” tanong ni Romualdez. “Kung talagang may malasakit ang OCD sa mga biktima ni ‘Yolanda,’ tiyak namang may paraan sila para maibigay pa rin ang donasyon sa mga biktima. Kaya ang tanong, pinagmalasakitan ba nila ang mga biktima?”
Sinabi ni Romualdez na pinatutunayan lamang ng ulat ng Commission on Audit na maraming pera para matulungan ang mga biktima ng Yolanda subalit hindi ito ginagamit.
Donasyon sa Yolanda bakit hindi itulong sa mga biktima
MOST READ
LATEST STORIES
Read more...