Ipatatawag ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board ang driver ng taxi cab na inaakusahan na nagtanim ng bala sa pasahero nito na lalabas ng bansa.
Ayon kay LTFRB chairman Winston Ginez kanilang iimbestigahan kung kasabwat ang driver na nagmamaneho ng taxi na may plakang UVK 190.
Ang imbestigasyon ay bunsod ng kumalat na post sa social media kaugnay ng isang seaman na nilagyan umano ng bala ang dalang bag.
Ayon sa post ni Julius Habana sumakay ng taxi ang kanyang kaibigan papunta sa Ninoy Aquino International Airport.
Napansin umano nito na may inilagay ang driver sa bag kaya nag-text ang seaman kay Habana na nagpayo na huwag na itong tumuloy sa airport at magpahatid na lamang sa kanyang boarding house.
Nang halughugin ang bag ay nakuha umano nila ang bala ng kalibre .38.
Sumakay na lamang ng ibang taxi ang seaman upang hindi mahuli sa kanyang flight at si Habana ang nagreport sa kinauukulan.
Taxi driver nagtanim daw ng bala sa bag ng pasahero
MOST READ
LATEST STORIES
Read more...