Pamilyang walang makain dumami- SWS

hunger-kids
Nadagdagan ang mga pamilya na walang makain sa third quarter survey ng Social Weather Station.
Naitala sa 15.7 porsyento o 3.5 milyong pamilya (14.1 moderate at 1.6 severe) ang nakaranas ng gutom mula Hulyo hanggang Setyembre ngayong taon.
Noong second quarter survey ay naitala ito sa 12.7 porsyento (2.8 milyong pamilya).
Sa survey na isinagawa noong Setyembre 2-5, pinakamarami ang nagutuman sa Mindanao (21.7 porsyento) na sinundan ng National Capital Region (18.3), iba pang bahagi ng Luzon (14.7) at Visayas (9.3).
Kinuha ang sagot ng 1,200 respondents na tinanong: “Nitong nakaraang tatlong buwan, nangyari po ba kahit minsan na ang inyong pamilya ay nakaranas ng gutom at wala kayong makain?” Kung Oo, “Nangyari po ba iyan ng Minsan Lamang, Mga Ilang Beses, Madalas o Palagi?”
Ang resulta ng survey ay unang nailathala sa BusinessWorld ang media partner ng SWS.

Read more...