Dennis: Registered voter ako pero parang ayokong bumoto!

dennis trillo

TULAD ng naging desisyon nina Alden Richards at Maine Mendoza, hindi magpapasilaw sa pera si Dennis Trillo at wala rin siyang balak magpagamit sa mga politiko sa 2016 presidential elections.

Sabi ni Dennis nang mainterbyu ng ilang miyembro ng entertainment press sa taping ng My Faithful Husband kamakailan, parang ayaw nga raw niyang bumoto next year.

“Registered pero parang ayaw kong bumoto,” sey ng rumored boyfriend ni Jennylyn Mercado. Aniya, wala pa raw kasi siyang nakikitang kandidato na pwede niyang sabihing qualified na maging pangulo ng bansa.

“Gusto ko yung mara-ming experience na leader, ayaw ko ng hilaw,” katwiran pa ng aktor. Nanawagan din si Dennis sa mga Pinoy na mas maging wais sa pagpili ng susunod na lider ng Pili-pinas.

Dennis hopes that other voters will be.  “Siguro kailangan makita nila na magandang example yung pipipliin nilang pinuno dahil, siyempre, buong bansa ang pangangalagaan nila, ang responsibilidad nila.

“Dapat magsimula sa kanila yung isang magandang example, role model talaga sila na pamamarisan at tutularan ng mamamayang Pilipino,” esplika pa ng award-winning actor.

Dagdag pa nito, “Sana matuto na sila sa mga pulitiko, yung mga nakita nila sa mga nagdaang taon, sa mga nangyayari sa mga corrupt na tao.”

At kung may politikong handang magbayad sa kanya kahit magkano makuha lang ang kanyang suporta sa eleksiyon, “Hindi importante sa akin ang malaking TF. Mas importante sa akin ang re-putasyon ng isang tao.

“Kasi, kung malaki nga ang TF, masama naman ang reputasyon niya sa mara-ming tao, ang daming negative na ano, baka mahawa lang ako. Mas importante sa akin yung karespe-respeto yung taong nire-represent ko at ineendorso ko,” chika pa ni Dennis.

Samantala, sa kabila ng kanyang busy schedule, nananatili pa ring hands on dad si Dennis sa unico hijo niyang si Calix, anak niya kay Carlene Aguilar.

Naikwento pa ng My Faithful Husband actor na uma-attend pa siya ng mga PTA sessions kapag libre siya. Gusto rin daw kasi niyang maging aware sa performance ng anak sa eskwelahan.

Kaya naman hindi niya pinapalampas na every weekend ay nagba-bonding sila ng anak through sports, lalo na ang swimming.

Pinabulaanan naman ni Jennylyn Mercado ang mga tsismis na lilipat daw siya sa kabilang network. Sey ni Jen wala siyang planong iwan ang Siyete dahil maligaya naman siya sa kanyang estado sa GMA.

Say ng aktres, walang dahilan para mangyari yun lalo na at hindi naman siya pinababayaan ng GMA 7 at sunod-sunod pa nga ang pagbibigay ng network ng projects sa kanya.

Happy din si Jen dahil patuloy sa pamamayagpag sa ratings ng My Faithful Husband. Marami pa raw dapat abangan ang viewers sa nalalapit na pagtatapos ng serye nila ni Dennis kaya huwag na huwag na raw kayong bibitiw.

Read more...