HABA-HABA ng hair ng Dance Floor Princess na si Maja Salvador. Maingay kasi ang balitang nililigawan siyang muli ng Acoustic Heartthrob na si Sam Milby.
Habang ang leading man niya sa seryeng Ang Probinsyano na si Coco Martin ay obvious naman ang sobrang kilig sa kanya. And then, hindi rin tumitigil ang isyu tungkol sa kanila ni Paulo Avelino na sinasabing mystery man sa buhay ni Maja.
Duda ng marami, si Sam daw ‘yung sinasabi ni Maja na ka-textmate niya ngayon. Kahit anong pilit kay Maja na sabihin ang name ng kanyang textmate, selyado pa rin ang kanyang mga labi.
Katwiran niya, “Ayokong maudlot. At saka, wala pa naman talaga, e, text pa lang.” If true na si Sam ang ka-textmate at manliligaw ulit ni Maja, wala naman kaming nakikitang masama doon since pareho silang single and financially stable.
Aside from that, they’re both good dancers too, huh! Kaya sana may bonggang dance number sila sa nalalapit na big concert ni Maja sa SM Mall of Asia on Nov. 13 titled “MAJAsty.”
Pero sure na talaga ay ang pagpayag ni Ultimate Heartthrob Piolo Pascual bilang isa sa special guests sa “MAJAsty” concert. Finally, matutupad na ang dream ni Maja na makatrabaho ang kanyang ultimate crush.
Mas bongga sana kung mapapasayaw ni Maja si Piolo sa isang dance number sa concert. Sa line-up pa lang ng guests ni Maja sa show, sulit na sulit na ang mga bibili ng tiket.
Bukod kay Piolo, special guest din ni Maja ang ka-twerky niya na sina Enrique Gil, Paulo Avelino, Enchong Dee, Rayver Cruz, Kakai Bautista and JC de Vera. Sina Nesh Janiola ng Hotlegs at Georcelle Dapat ng G Force ang choreographers sa concert ni Maja.
Ang “MAJAsty” concert ni Maja ay pinrodyus ni Jerica Aguilar Events Management and co-produced by Pink management Productions. Pero bago ang concert ni Maja, umikot muna sa ibang bansa ang aktres para sa concert nila ni Jericho Rosales.
As of this writing, pabalik na ng Pilipinas sina Maja at Echo na nagkatrabaho sa teleseryeng Bridges Of Love. And then, busy din si Maja sa pagpo-promote ng kanyang bagong album titled “Maja In Love” na malapit ng mag-platinum.