Jackie Forster suko na sa pagmamakaawa kina Andre at Kobe Paras


jackie forster

Nagdeklara na si Benjie Paras na huwag nang magbigay ng pahayag ng anumang tungkol sa kanyang ex-wife na si Jackie Forster. No comment na ang litanya ng dating Rookie of the Year at Most Valubale Player ng PBA noong 1989.

Sa huling balita kay Jackie, titigil na raw siya sa paggawa ng move para sila magkaayos ng mga anak nila ni Benjie na sina Andrei at Kobe. “I really have no comment. I have a life now.

Sobrang tagal na nu’n,” buntong-hininga ni Benjie noong makausap namin sa presscon ng latest movie ng blockbuster director na si Wenn Deramas under Viva Films, ang “Wang Fam” showing on Nov. 18.

Si Benjie ang leading man ni Pokwang sa “Wang Fam” na ang original choice for his role ay si Richard Yap. “Ah, I really don’t mind. Kung ako nga ang tatanungin ninyo na mas gusto ko na ma-ging parang support ka, e.

Kasi naniniwala ako na being a support, e, less expectation than being the bida role na may pressure na, kailangan mag-clik ‘to para masundan. So, if you’re going to be a support, then, laging kang under,” pahayag niya.

Ayon kay Direk Wenn na sa kauna-unahang pagkakataon ay naidirek siya, mas bagay daw sa kanya ang role kesa kay Richard. “Ay, sobra akong happy noong sinabi niya ‘yan.

Coming from him it’s really an honor na sabihan niya ‘yun and it’s an honor for me to work with him dahil sa lahat ng mga ginawa niya, nagki-click , e, kaya I’m happy and very positive na magki-click din ang movie na ‘to,” aniya pa.

Hindi nga akalain ni Benjie na sa edad niya na 51 ay magiging leading man pa siya sa pelikula at magkaroon ng “se-cond wind” sa kanyang showbiz career.

Matatandaan na unang nagbida si Benjie sa pelikulang “Dunkin Donato” noong kainitan din ng kanyang basketball career noong dekada ‘80. Histo-rical ang pagpasok ni Benjie sa PBA bilang bagong manlalaro dahil siya ang kauna-unahan at natatanging basketball player na naging Rookie of the Year at Most Valuable Player sa isang season.

Na hanggang ngayon ay wala pang nakakapag-duplicate, huh! Anyway, kasama rin sa “Wang Fam” ang anak niya na si Andrei Paras at kalabtim nito na si Yassi Pressman.

Read more...