JC negosyante ang bagong dyowa pero ayaw pang pangalanan

jc de vera

At tulad ni Lovi Poe, tumanggi rin si JC de Vera na magdetalye tungkol sa babaeng nagpapaligaya sa kanya ngayon. Isa raw itong non-showbiz young businesswoman.

Ayaw niyang banggitin kung ano ang name ng girl dahil malalaman na raw ng publiko kung sino ito pag sinabi niya. Basta aniya, happy ang personal life niya kaya ibalato na lang sa kanya ang tungkol dito.

“Meron akong non-showbiz na dini-date this time. Someone away from the limelight. Sa sobrang private na tao niya, wala siyang alam sa showbiz, sa local industry,” kuwento ng Kapamilya actor.

Bukod sa lovelife, sinuswerte rin si JC sa kanyang burger business kung saan kasama niyang nagpapatakbo ang kanyang best friends noon pang high school.

“Nakakatuwa at nakakalibang dahil marami akong natutunan pati na sa pakikipag-usap sa iba’t-ibang tao maging sa mga supplier. It’s a learning process for me,” aniya.

Aside from his burger business, busy si JC sa bago niyang ABS-CBN series na Your’e My Home katambal si Jessy Mendiola with Richard Gomez and Dawn Zulueta.

Read more...