P277M tinamaan sa Bukidnon

lotto for site
Inabot ng 69 na bola bago tinamaan ang jackpot prize ng Ultra Lotto 6/58 ng Philippine Charity Sweepstakes Office.
Ayon kay Atty. Jose Ferdinand Rojas II, general manager ng PCSO, ang nanalo ng P277.9 milyon ay tumaya sa Malaybahay City, Bukidnon.
Nagkakahalaga ng P100 (limang kumbinasyon) ang kanyang tinayaan ng manalo. Siya ng pumili sa mga lumabas na numerong 22-9-24-16-52-42 sa bola noong Biyernes.
Nanalo naman ng tig-P238,990 ang walong mananaya na nakakuha ng limang numero.
Tig-P1,380 naman ang 1,104 mananaya na nakaapat na numero at balik-taya (P20) ang 23,302 mananaya.
Sinabi ni Rojas na hindi man nanalo ang karamihan, nakatulong naman sila dahil bahagi ng taya ay ginagamit ng PCSO sa pagpapagamot sa mga mahihirap.
Sa bawat P1 itinataya sa lotto 55 sentimos ang napupunta sa papremyo ng lotto, 30 sentimos sa charity fund na ginagamit sa pantulong ng PCSO at ang nalalabi sa gastos nito sa operasyon.

Read more...