Joey de Leon, Tito Sotto binakbakan sa Halloween costume; pinagso-sorry sa Muslim community

Joey De Leon, Tito Sotto binakbakan sa social media; pinagso-sorry

 

COTABATO CITY —  Dapat humingi ng paumanhin ang Eat Bulaga hosts na sina Joey de Leon at Tito Sotto s Muslim community dahil sa ginawa nilang pagsusuot ng damit Muslim sa Halloween segment ng programa noong Sabado.

Ayon kay Governor Mujiv Hataman ng Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM), isang insult na maituturing ang ginawa ng dalawang host nitong Sabado kung kayat dapat silang humingi ng tawad sa Muslim community na nasaktan.

Sa kalatas, sinabi ni HAtaman, “the ARMM government takes offense at and is appalled by the stunt pulled on national TV by noontime show Eat Bulaga on Saturday, October 31 — where hosts Joey de Leon and Senator Tito Sotto came out dressed as Muslims for their Halloween Special.”

Ang costume na isinuot ng dalawa ay ginagamit sa mga banal na araw ng mga Muslim gaya ng Eidl Fitr, ang araw nang pagwawakas ng Ramadan, at maging ng Ed’l Adha (Feast of Sacrifice) prayer.

“On behalf of the Filipino Moro people, we demand that producers and hosts of the noontime show issue a public apology,” ayon pa sa gobernador.

“This display betrays an insensitivity by these hosts, as they equated the Muslim garb as a costume to be feared, in the way that zombies and ghouls are to be feared,” dagdag pa ng kalatas.

Ilang netizens din ang hindi nagustuhan ang ginawa ng dalawang host.  Ilan sa kanila ang nagsabi na ang kanilang ginawa ay “disgusting,” “disrespectful,” “shameful,” “racist,” “insensitive.”

Meron din namang nagtanggol sa kanila.

May nagsabi na hindi dapat ituring ang nasabing damit na “holy” dahil kahit sino ay maaaring magsuot nito kahit hindi Muslim.

Sa Saudi, kahit nga raw Kristiyano ay nagsusuot ng nasabing damit.

“Its just a simple attire it has nothing to do with being a Muslim!!!” sabi ng isang tagasuporta ng Eat Bulaga.

Hindi pa mabatid kung pormal nang ipinaabot ni Hataman sa pamunuan ng noontime show ang kanyang reklamo.

Read more...