Lindol sa Eastern Samar

Lumindol sa Eastern Samar ngayong hapon, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology. May lakas na magnitude 4.9 ang lindol na naramdaman alas-2:58 ng hapon. Ang sentro nito ay 62 kilometro sa silangan ng San Policarpio. May lalim itong 84 kilometro at sanhi ng paggalaw ng tectonic plate sa lugar. Naramdaman ang Intensity I sa bayan ng Palapag sa Northern Samar.

Read more...