Hindi ikinasama ng loob ni Leyte Rep. Ferdinand Martin Romualdez ang hindi pagkakasama sa kanya sa senatorial lineup ng Partido Galing at Puso ni Sen. Grace Poe.
Nagpasalamat naman si Romuladez sa ‘virtual endorsement’ sa kanya ni Poe na nagtiwala na may magagawa ito upang mapaganda ang kalagayan ng bansa.
“I am deeply humbled and honored for the good and kind words given to me by Sen. Grace Poe,” ani Romualdez.
Sa panayam, sinabi ni Poe na mayroon na silang nakausap na ibang kakandidato bago nalaman na interesado rin si Romualdez na tumakbo.
“Hindi ko siya kilala masyado noon tapos noong nakausap ko siya na nakita ko na napakatalino niya at marami siya talagang pinaglalaban lalong-lalo na para sa kanyang mga kababayan sa Eastern Visayas. Sayang lang nga at gusto ko ngang sabihin, bakit ngayon ka lang?” ani Poe.
Sinabi ni Romualdez na kaisa siya ni Poe sa pagkakaroon ng ‘transparency and accountability’ at totoong pagmamalasakit sa publiko.
Kung tutuloy sa pagtakbo si Davao City Mayor Rodrigo Duterte, isa si Romualdez sa inaasahang kukunin sa senatorial slate nito.
Si Romualdez ay nasa senatorial lineup din ng United Nationalist Alliance ni Vice President Jejomar Binay.
Romualdez hindi masama ang loob kay Poe
MOST READ
LATEST STORIES
Read more...