Kandidato nagpa-raffle bago mag-file ng COC

BUMAHA ng mga pa-premyo makaraang magpa-raffle ang mag-asawang kandidato na naghain ng Certificate of Candidacy sa isang lugar sa Bulacan noong isang linggo.

Halos magsiksikan ang kanilang mga taga-suporta sa kanilang ginawang martsa papunta sa opisina ng Comelec sa kanilang lugar.

Kaya marami ang sumama ay dahil may pa-raffle ang mag-asawa at talaga namang bongga ang kanilang mga ipinamigay na items.

Sinabi ng ating Bulakenyong Cricket na hindi lang mga appliances kundi pati mga building materials tulad ng yero, kahoy at semento ay kasama sa pa-raffle.

Balewala sa kanila ang gastos dahil sa lawak ng kanilang business empire.

Segurista rin ang mag-asawang kandidato dahil bago sila nagdeklara ng kandidatura ay binili na rin nila ang suporta ng mga local at barangay officials sa kanilang lugar.

Kasama rin sa kanilang inareglo ng daang-libong piso ay ang mga opisyal ng TODA sa bawat barangay.

Pakiramdam nila, lahat ay may katapat if the price is right ika nga.

Gusto kasi nilang paalisin sa pwesto ang kanilang kalaban na naka-upo sa trono sa kasalukuyan.

Pera ang nakikita nilang tried and tested formula para makahikayat ng boto sa 2016.

Kung tutuusin ay hindi na nila kailangan pa ang poder sa gobyerno para makilala dahil sa laki ng kanilang kayamanan.

Pero sinabi ng ilang malalapit sa kanila na nagkasubuan na at ayaw nilang mangulelat sila sa halalan.

Ang mag-asawang ito ay kapwa kandidato sa halalan ay ayaw ng pressure sa katawan kaya naman kung kaya din lang naman ng pondo ay idinadaan na lang sa pera ang lahat para manalo.

Hindi na natin kaila-ngan pa ng clue dahil ang kanilang negosyo ang takbuhan ng mga na-ngangailangan lalo na sa oras ng kagipitan.

Isa pang clue. Mga nagpapa-utang ng 5-6 ang kakumpetensiya nila.

Read more...