Makapagsi-seaman na ba?

Sulay mula kay Edwin Pandol, Corella, Bohol
Dear Sir Greenfield,
Taong 2013 nang grumadweyt ako ng kursong Marine Transportation. Mula noon ay masipag naman akong mag-aplay para makasampa sa barko, pero hanggang ngayon ay hindi pa rin ako pinapalad na makasampa. Kaya nga naisipan kong sumangguni sa inyo. Kumpleto naman ako ng mga papeles at marami na rin akong training na na-attenan, pero bakit kaya hanggang ngayon ay hindi pa rin ako tinatawagan ng agency ko? Sa palagay n’yo may pag-asa pa kaya akong makapag-barko at kung may roon pa kailan naman kaya ito matutupad? April 14, 1989 ang birthday ko.

Umaasa,
Edwin ng Corella, Bohol
Solusyon/Analysis:
Palmistry:
Wag kang mag-alala dahil kapansin-pansing may mahaba at malinaw namang Travel Line (Illustration 1-1 arrow 1.) sa iyong palad. Ibig sabihin, basta’t buo ang iyong loob at hindi ka nawawalan ng pag-asa, sa takdang panahong inilaan ng kapalaran, may isang mabunga at mabiyayang pagbabarkong itatala sa i-yong kapalaran.

Cartomancy:
King of Diamonds, Five of Clubs at Nine of Diamonds ang lumabas (Illustration 1.). Ang mga baraha ang nagsasabing sa susunod na taong 2016 sa edad mong 27 pataas ay tiyak na ang magaganap— tuluyang matutupad ang malaon mo nang pangarap na makapagbarko.
Itutuloy

Read more...