Jolina kay Claudine: Ayoko na pong mag-comment, tapos na!

JOLINA MAGDANGAL

JOLINA MAGDANGAL

ILANG ulit sinabi ni Jolina Magdangal na walang isyu sa pagitan nila ng nagbabalik-showbiz na si Claudine Barretto.

Ngunit sa kabila nito, ayaw pa ring mamatay ang tsismis tungkol sa dalawa. May mga chika kasi na ayaw na raw talagang makatrabaho ni Jolens si Claudine dahil na-trauma na siya rito noong magkasama sila sa teleserye ng GMA na Iglot.

Sa presscon ng latest endorsement nilang mag-anak (Mark at Pele Escueta), ang Super Twins Baby Diaper, si-nabi ni Jolens na masaya siya sa pagbabalik ni Claudine sa pag-arte. Sa katunayan happy daw siya para sa estranged wife ni Raymart Santiago dahil sa tagumpay ng comeback movie nitong “Etiquette For Mistresses”.

Kaya nu’ng tanungin muli si Jolina kung willing pa ba siyang makasama sa trabaho si Claudine, tumanggi na itong magsalita, “Ayoko nang mag-comment. Basta ako, happy ako na bongga yung ‘Etiquette’. Hanggang du’n na lang muna ang sasabihin ko kasi…basta ayoko nang mag-comment. Happy ako for her.”

Pero to work with her? “Basta happy ako for her. Ayoko nang mag-comment, tapos na. Sa akin, walang isyu, ha, wala sa aking isyu.”

 

Read more...