Teacher patay sa karambola

irosin
Nasawi ang isang guro habang isa pang tao ang nasugatan nang magkarambola ang isang trak at dalawang motorsiklo sa Irosin, Sorsogon, inulat ng pulisya ngayong araw.

Dead on arrival sa ospital ang gurong si Mary Ann Gonzalez, 30, habang sugatan si Loreto Bayoca, kolektor ng small town lottery, ayon sa ulat ng Sorsogon provincial police.

Naganap ang insidente dakong alas-4 ng hapon Martes sa bahagi ng Maharlika Highway na sakop ng Brgy. Salvacion.

Patungo noon sa isang direksyon ang naka-motor na si Bayoca at ang double-deck truck na dala ni Ponciano Legazpi, ayon sa ulat.

Lumabas sa imbestigasyon na inunahan ng trak ang motor ni Bayoca pero nahagip ito, kaya nag-maniobra ang huli sa kabilang lane at doon nasalpok ang motorsiklo ni Gonzalez.

Read more...