SUV nabangin; kagawad patay

itogon
Patay ang isang barangay kagawad nang mahulog ang kanyang sports utility vehicle sa isang malalim na bangin sa Itogon, Benguet, kagabi.

Dinala pa sa ospital si Jhon Naboye Sr., kagawad ng Brgy. Ucab, matapos makuha sa bangin, ngunit binawian ng buhay alas-9:30, ayon sa ulat ng Cordillera regional police.

Naganap ang aksidente dakong alas-7:30, habang minamaneho ni Naboye ang kanyang Mitsubishi Pajero sa First Gate, Brgy. Ucab

Lumabas sa imbestigasyon na nawalan ng kontrol sa manibela si Naboye habang nagmamaniobra sa na-“wash out” na bahagi ng kalsada, kaya nahulog ang sasakyan sa banging aabot 70 metro ang lalim.

Read more...