MRT, LRT bibiyahe sa Undas

mrt-lrt

mrt-lrt


Bibiyahe ang mga tren ng Metro Rial Transit at Light Rail Transit Line 1 at 2 sa Undas.
Ayon kay Atty. Hernando Cabrera regular ang magiging operasyon ng mga tren.
Bukod sa seguridad ng mga pasahero, maglalagay din ng medical teams sa mga piling istasyon. Mayroon ding mga volunteer doon ang Red Cross.
Mayroon din umanong ipakakalat na cooler at water dispenser sa mga istasyon na malapit sa mga pampublikong semeteryo—sa istasyon ng R. Papa, Blumentritt at 5th Avenue.
Ang LRT 1 ay bumibiyahe mula Roosevelt, Quezon City hanggang Baclaran, Pasay at ang LRT 2 ay mula Recto, Manila hanggang Santolan, Pasig, mula 5 ng umaga hanggang 10 ng gabi.
Ang MRT naman ay mula North Ave., Quezon City hanggang Taft, Pasay.

Read more...