Senatorial bets ng Grace-Chiz tandem inihayag na

Poe-senate-slate1
Inanunsyo na ni Sen. Grace Poe at running mate nitong si Sen. Francis Escudero ang kanilang mga kandidato sa pagkasenador sa 2016 elections.
Tinawag ni Poe na Partido Galing at Puso ang kanilang senatorial slate na galing umano sa iba’t ibang larangan.
Iginiit ni Poe na hindi sapat ang galing at talino sa paglilingkod ‘dapat meron ka ring puso para sa maliliit at mga naghihirap’.
“Pero paniwala rin po namin na hindi sapat na puro puso lang; kailangang mahusay at may angking galing ka rin,” ani Poe. “Lahat po sila ay pinili at hindi pinulot lamang kung saan. Lahat po sila ay pinili at wala po kahit isa sa kanila ang pinilit.”
Kasama sa senatorial lineup ng PGP sina Atty. Lorna Kapunan, Pasig Rep. Roman Romulo, Sen. Tito Sotto, Bayan Muna Rep. Neri Colmenares, Valenzuela Rep. Sherwin Gatchalian, aktor na si Edu Manzano, dating Sen. Juan Miguel Zubiri, ACT-CIS Rep. Gen. Samuel Pagdilao, dating Sen. Dick Gordon, Manila Vice-Mayor Isko Moreno, Susan Ople, at Sen. Ralph Recto.
“These leaders and I share a commitment to build a society where no Filipino will be left behind, a country where everyone will be able to reap the fruits of economic growth and enjoy life in a safe and progressive environment,” ani Poe. “Together, there is nothing we cannot achieve for the country.”
Sa mga nabanggit kasama rin sa lineup ng Koalisyon ng Daang Matuwid nina Mar Roxas at Camarines Sur Rep. Leni Robredo si Recto.
Kasama naman sa lineup ng United Nationalist Alliance nina Vice President Jejomar Binay at Sen. Gringo Honasan sina Sotto, Gordon, at Zubiri.
30

Read more...