P277M jackpot sa Biyernes

Super Lotto 6/49

Super Lotto 6/49


Inaasahang aabot sa P277 milyon ang jackpot prize ng Ultra Lotto 6/58 sa bola nito sa Biyernes.
Ayon sa Philippine Charity Sweepstakes Office umabot sa P270.3 milyon ang hindi tinamaang jackpot prize sa bola noong Linggo.
Sa bolang ito lumabas ang mga numero 49-4-46-34-19-56.
Nanalo naman ng tig-P179,400 ang siyam na mananaya na nakalimang numero. Tig-P2,480 naman ang 520 mananaya na nakaapat na numero at balik-taya (P20) ang 12,622 mananaya na nakatatlong numero.
Ang Ultra Lotto ay binobola tuwing Biyernes at Linggo. Nagkakahalaga ng P20 ang taya sa bawat anim na numerong kumbinasyon.

Read more...