NAHAHARAP sa kasong libel ang aktres at isang manager ng television network na ABS-CBN sa Cebu City matapos silang iasunto ng dalawang indibidwal dahil sa pagbebenta ng pekeng Go Pro Hero 3 kamera.
Sinabi ng Cebu City Prosecutor’s Office na may sapat na basehan para kasuhan ang aktres na si Neri Naig, misis ng bokalista ng bandang Parokya ni Edgar na si Chito Miranda, at Star Magic road manager na si Danilyn Nunga, ng libel kaugnay ng Republic Act 10175 o Cybercrime Prevention Act of 2012.
Inirekomenda naman ang P10,000 piyansa para sa mga akusado.
Nag-post umano sina Miranda at Nunga sa kanilang Instagram ng litrato nina Clarence Sy Taguiam at Donna Marie Go na kung saan inakusahan nila ang dalawa ng pagbebenta ng pekeng Go Pro Hero3 Action kamera noong Abril 30.
Nakasulat sa litrato ang pahayag ng Nunga na nagbayad siya ng buong P7,500 para sa kamera na kanyang binili kay Go.
Inilagay naman ni Miranda ang kahalintulad na post sa Instagram.
Nalaman nina Taguiam at Go ang umano’y nakakasirang pahayag kayat nagdesisyon silang magsampa ng kaso.
Itinanggi ni Go na nagbenta siya ng kamera at itinangging nakipagnegosasyon siya sa akusado.
Sa pamamagitan ng kanyang abogado, hiniling din ng abogado ni Go kina Miranda at Nunga ang pag-aalis ng post sa Instagram at malabas ng public apology.
Nagpadala na ng sulat sa ABS-CBN Corp. at Sgt. Esguerra ave. sa kanto ng Mother Ignacia st. sa Quezon City dahil konektado ang dalawa sa network.
Tinanggal na ni Miranda ang post bilang reaksyon sa sulat. Si Miranda ay asawa ng Parokya ni Edgar vocalist Chito Miranda.
MOST READ
LATEST STORIES