Pasok sa mga korte sa Oktubre 30, half day na lang

IDINEKLARA ni  Chief Justice Maria Lourdes Sereno na half-day lamang ang pasok sa lahat ng korte sa bansa sa Biyernes, Oktubre 30 bilang paggunita sa All Souls’ Day.
Inihayag ni Information Chief Theodore Te na mula alas-8 hanggang alas-12 lamang ang operasyon ng lahat ng korte sa buong bansa.
Magbabalik naman ang normal na operasyon ng mga korte sa Nobyembre 2.

 

Read more...