Standard bearer ng PDP-Laban na si Diño atras na sa presidential race

UMATRAS ang standard bearer ng Partido Demokratiko Pilipino-Lakas ng Bayan (PDP-Laban) na si Martin Diño sa kanyang kandidatura sa pagkapangulo sa 2016 sa harap naman ng petisyon ng legal department ng Commission on Elections (Comelec) na ideklara siyang nuisance candidate, ayon kay dating  North Cotabato governor Emmanuel Piñol.
Idinagdag ni Piñol na hiniling na ni Dino kay Davao City Mayor Rodrigo Duterte na siya ang pumalit sa kanya.
 Hindi naman makontak si Duterte para magkomento. 

Read more...