Luis Manzano ikakampanya ang dalawang tatay na sina Edu Manzano, Ralph Recto

TODO suporta ang tv-host/actor na si Luis “Lucky” Manzano sa kanyang dalawang tatay na parehong tumatakbo sa pagkasenador sa 2016 elections.

Kasama ni Luis ang kanyang dalawang kapatid na sina Addie at Enzo na nag-appear sa launching ng senatorial slate nina Grace Poe at Chiz Escudero Huwebes ng umaga.

Kasama sa listahan ng Poe-Chiz tandem ang dalawang tatay ni Luis na sina Edu Manzano, ang kanyang tunay na ama, at incumbent Senator Ralph Recto na kanya namang step-father.

Ayon kay Luis, dumating siya para bigyang suporta di lang ang kanyang tatay at aktor na si Edu kundi ang kanyang step-dad at mister ng kanyang nanay na si Batangas Governor Vilma Santos.

Inamin din ni Luis na nagulat silang magkakapatid nang malaman na tatakbo si Edu sa pagkasenador.

“After he told us, no questions asked,” ayon kay Luis.  One hundred percent na suporta raw ang ibibigay nila sa ama.

Sinabi rin nito na susubukan niyang mangampanya para sa dalawang tatay at sa ina na tatakbo naman bilang kongresista.

“I’ll try myself because I have to separate my Dad’s campaign, my Mom’s campaign, my Tito Ralph campaign…” dagdag pa nito.

 

Read more...