Regine super iwas sa politika: Bahala na si Ogie diyan!

ogie alcasid

NGAYON pa lang ay marami na ang nag-aabang at super excited sa next major solo concert ng nag-iisang Asia’s Songbird na si Regine Velasquez.

For the first time sa 30 years niya sa showbiz at music industry, isang non-pop concert ang inihanda niya sa kanyang mga tagasuporta, ito ngang “Regine At The Theater.”

Ibang-iba raw ito sa mga past concerts niya dahil karamihan sa mga kakantahin niya ay mga songs from po-pular musicals dito sa Pilipinas at iba’t ibang bahagi ng mundo.

Sa presscon ng “Regine At The Theater” kamakailan, si-nabi ng Songbird na matagal na niyang pangarap ang magkaroon ng ganitong klase ng concert.

Buhay pa raw ang ama niyang si Mang Gerry ay napag-uusapan na raw nila ito pero palaging hindi natutuloy. “Kasi ngayon ko lang rin naman nataymingan na perfect rin naman kasi usong-uso ang musicals ngayon.

Parang in a way para sa mga tao na hindi pa nakita ang ganitong play kunwari Phantom of the Opera, parang gusto kong ipakita sa kanila kung ano ang mga songs doon. Para i-introduce lang ‘yung mga songs na naging hit from that musical,” paliwanag ni Regine.

Ilan sa magiging special guests sa “Regine At The Theater” ay sina Aicelle Santos, Jonalyn Viray at Audie Gemora. Mapapanood ito sa mga sumusunod na petsa: Nov. 6, 7, 20 and 21 sa The Theater ng Solaire. Mabibili ang ticket sa SM Tickets outlets.

Wala naman daw malalim na dahilan kung bakit hindi niya kinuhang guest ang asawa niyang si Ogie Alcasid. Kung mapapansin daw ng mga tao, matagal na silang hindi nagkakasama sa isang proyekto ni Ogie, siguro raw ay dahil magkaiba na rin sila ng istasyon ngayon, si Ogie ay nasa TV5 na, samantalang nasa GMA pa rin siya.

Pero sabi ni Regine, kahit daw hindi sila masyadong nagkakasama sa trabaho, maayos na maayos naman daw ang kanilang married life. Inamin din ng Songbird na karamihan sa mga kaganapan sa kanilang mga buhay ay si Ogie ang nagdedesisyon, tulad na lang sa isyu ng politika.

Kilalang tagasuporta ng administrasyon ni Pangulong Noynoy Aquino si Ogie kaya marami ang nagtatanong kung si Mar Roxas din ang susuportahan nito at ni Regine sa darating na 2016 elections.

Ayon naman kay Regine, “Yung asawa ko ang kinakausap nila diyan pero ako I don’t really want to be involved. I’m usually not very keen.

Not for anything else. If ever I’m going to support a candidate dahil susuportahan ko ang sinusuportahan ng asawa ko,” sagot ni Regine.

Hindi raw kasi talaga mapolitikang tao ang Songbird, kaya ipinagkakatiwala na niya kay Ogie ang magiging desisyon nila pagdating ng 2016.

Nang matanong kung totoo bang si Sen. Grace Poe ang susuportahan ni Ogie sa susunod na eleksiyon, ito lang ang naging sagot ni Regine, “First of all I want to give you a background.

My husband will not just support just because of money. Never. Or because wala lang. He would always support someone na he thinks would be able to do something about our country. Ganu’n siya.”

Read more...