Korina sinorpresa si Mar Roxas sa kanilang 6th wedding anniversary

korina sanchez

Sinorpresa ni Korina Sanchez ang kanyang asawang si former DILG Sec. Mar Roxas noong Martes para sa kanilang 6th wedding anniversary.

Kinarir ng Rated K host ang paggawa ng isang homemade gift na tiyak daw na magugustuhan ng kanyang mister. Nag-bake ang award-winning broadcast journalist ng blueberry cheesecake na paborito raw ni Mar.

Bago ito, nauna nang nagbigay ng kanyang sorpresa si Sec. Mar kay ate Koring – isang simple but sweet advance celebration of wine. Sa kanyang Instagram account, ipinakita pa ni Korina kung paano siya nag-prepare para sa paggawa ng cheesecake.

Isang litrato ng mga ginamit niyang ingredients ang ipinost niya sa IG na may caption na: “Wala si Mar…I will surprise him with an anniversary blueberry cheesecake! I’m all set! Kailangan matapos before he gets back!!!”

Read more...