Pera ni Andre gwardiyado ni Benjie; wala nang paki kay Jackie

benjie paras

Walang isyu kay Benjie Paras kung second choice lang siya sa latest offering ng Viva Films na “Wang Fam” kung saan muli silang magtatambal ni Pokwang. Sa pagkakaalam namin, unang in-offer ang pelikula kay Richard Yap.

“Ako, I don’t mind. I really don’t mind. Kung ako nga ang tatanungin, mas gusto ko yung maging support ka lang, eh. Kasi sa akin, naniniwala ako na pag support ka, less expectation than being the bida role na may pressure na kailang magklik ang movie mo para masundan,” sabi ni Benjie sa isang interview.

Makakasama ng dating basketball superstar for the first time ang anak na si Andre sa “Wang Fam” showing na on Nov. 18 sa mga sinehan, at naniniwala siya na may future ang bagets sa pagpapatawa.

Nang matanong tungkol sa finances ng anak, nakakaipon naman daw ito mula sa kanyang talent fee, “Kasi yung card niya, extension ko rin para namo-monitor ko. Yung phone niya, extension ko rin, namo-monitor ko rin.

Hindi sa namo-monitor ko kung ano yung ginagawa niya but to remind him na pag medyo magastos na, medyo mali na yan.”  At tungkol sa dati niyang asawang si Jackie Forster, ano ang reaksiyon niya sa balitang sumuko na raw ito sa pagsuyo sa kanilang dalawang anak? “I really have no comment.

I have a life now and…wala akong comment sa mga nangyayari. Sobrang tagal na and wala na akong ano du’n.”

Read more...