Liza nag-‘I Love You’ na rin kay Enrique

liza soberano

Ibinandera ni Enrique Gil na sinasabihan din siya ni Liza Soberano ng “I love you”.

Sa interview ng Tonight with Boy Abunda, nag-share ang binata ng mga bagong kaganapan sa “relasyon” nila ni Liza. Tinanong si Quen kung sa tingin ba niya ay siya na ang dream boy ni Liza o mabibigyang katuparan ba niya ang mga dreams nito?

“Para sa akin po parehas. 100% sure po ako dyan,” sagot ni Enrique. Inamin din ng binatang aktor na minsan pa lang siya na-in love, “Only right now, only once talaga. Siyempre sa past relationships ko, I thought I was falling in love.

Para sa akin kasi when you fall in love, you cannot fall out of love. Kung mahal mo yung tao na yun kahit wala na kayo, you (will always) care for that person, but you’re not ‘in love’ with the person.”

Matindi rin daw siyang magselos pero depende pa rin daw iyan sa sitwasyon, “Kapag, ‘uy uy, di tama yun a,’ parang dapat akin lang yun a, dapat sa akin lang ginagawa yun, a.”

Ilang beses nang inamin ni Enrique na totoong lagi siyang nagsasabi ng “I love you” kay Liza, kaya ang tanong ni Boy Abunda kung sumasagot din ba ng “I love you” ang aktres, ang mabilig na sagot ni Quen, “Syempre!”

Read more...