Jolina may sariling style sa pagdidisiplina kay Baby Pele

jolina magdangal

Now that she’s a mom to Pele Inigo Magdangal Escueta, Jolina Magdangal shared she’s learned something about pa-renthood from her mom and dad.

“Yung kahit na simpleng oras ay magkakasama ang fa-mily. So dapat lagi kayong may time together as a family. Kasi ganoon kami noon, eh. Ganoon kami ka-close as a family,” Jolina revealed during the launch of their son as the first endorser of Super Twins ng Megasoft Hygienic Products owned by Emilio and Aileen Go.

As every mom would dream of, gusto ni Jolina na maging marespetong bata si Pele. “Siguro maging magalang at iyon ang gusto kong ituro kay Pele. Gusto ko siyang magpo at opo. Gusto ko siyang maging magalang.

“Gusto ko matutunan na madidisplina ko siya nang kinakausap lang. Ayaw kong pagbuhatan siya ng kamay. ‘Di ba sabi nila okay lang mamalo kahit ‘wag ‘yung kamay pero kailangang merong maramdaman.

Hangga’t maaari gusto ko mag-usap kami. ‘Upo tayo. Mag-usap tayo.’ Ganoon ang gusto ko. Kung kailangan ng tiyaga ay titiyagain ko ‘yun,” say ng singer-actress.

Actually, ang buong Escueta family – sina Mark, Jolina at Pele – ang endorsers ng Super Twins.

Read more...