Logging truck nahulog sa creek; 1 patay


Patay ang driver ng isang trak na kargado ng mga tinapyas na punongkahoy nang mahulog ang sasakyan sa isang creek sa MacArthur, Leyte,kaninang madaling-araw.

Isinugod sa ospital ang driver na si Rolando Samora, 62, matapos mahugot sa ilalim ng trak, ngunit di na umabot nang buhay, sabi ni
Supt. Edgardo Esmero, tagapagsalita ng Leyte provincial police.

Naganap ang insidente sa pababang bahagi ng Provincial Road na sakop ng Brgy. Lanawan dakong alas-12:45.

Nabatid na noong una’y nakaparada sa lugar ang trak (GHK-606), na kargado ng di bababa sa 2,000 board feet ng tinapyas na punongkahoy.

Nang aalis na sana ang trak ay hindi nag-start ang makina, pero gumulong ito pababa at nagtuluy-tuloy sa isang creek na 2 metro ang lalim mula sa kalsada, ani Esmero.

Kaugnay ng insidente kahapon, naglabasan ang mga akusasyon na ang trak ay ginagamit sa illegal logging na protektado diumano ng pulisya at militar.

Dahil dito ay nagpadala na ang Leyte provincial police ng imbestigador sa lugar para alamin ang katotohanan sa mga alegasyon, ani Esmero. (John Roson)

– end –
Reply, Reply All or Forward | More
Click to Reply, Reply All or Forward

Read more...