Tiket na nakalimutan; may P5.9M premyo

lotto for site
Mahigit limang buwan matapos manalo ay tsaka pa lamang nakuha ng 39-anyos na single mother ang kanyang napanalunan P5.9 milyon sa lotto.
Hindi na kasi niya tinignan ang kanyang tiket na kanyang isinuksok sa kanyang bag nang tumaya noong Mayo 13.
Ibibigay niya ang naturang bag sa isang kaibigan ‎kaya inalis niya ang kanyang mga gamit doon ng makita niya ang tiket.
Inisip niya na baka tumama ang tiket kahit balik-taya lang kaya ipinatingin niya ito sa lotto teller na nagsabi sa kanya na nanalo ito ng jackpot.
Ang nanalo ay nagbebenta ng cellphone accessories at taga-Davao City.
Tatlo silang nakakuha ng mga numerong 8-27-12-24-21-17 sa bola ng Mega Lotto 6/45 noong Mayo 13. Ng dalawa pa ay taga-Mandaluyong City at Malate at umabot sa P17.8 milyon ang kanilang pinaghatian.

Read more...