PNP naka-full alert sa MM simula bukas para sa Undas

PNP

PNP


NAKA-FULL alert na simula bukas ang mga pulis sa Metro Manila bilang paghahanda sa Undas.
Sinabi ni National Capital Regional Office (NCRPO) spokesperson Chief Inspector Kimberly Molitas na magsisimula ang full alert ganap na alas-6 ng umaga ngayong araw at tatagal hanggang Nobyembre 3.

“Magkakaroon ng mga police assistance hubs sa mga terminal, pier at sementeryo upang alalayan ang publiko,” sabi ni Molitas.
Idinagdag ni Molitas na inatasan na ang lahat ng mga pulis na bawal muna ang pagbabakasyon.
Tinatayang milyon-milyonPinoy ang pupunta sa 21 mga pangunahing sementeryo sa Kalakhang Manila para bumisita sa puntod ng kanilang mga mahal sa buhay.

Read more...