Mga Laro Bukas
(Mall of Asia Arena)
2 p.m. San Beda vs Arellano (jrs)
4 p.m. San Beda vs Letran (srs)
KAILANGAN pa ng isang laro ang klasikong tagisan sa pagitan ng San Beda at Letran para malaman kung sino ang kikilalaning kampeon sa 91st NCAA men’s basketball.
Sina Ola Adeogun at Arthur dela Cruz ay gumawa ng 14 at 12 puntos habang sina Jayvee Mocon, Michole Sorela at Baser Amer ang kinapitan ng koponan sa second half para makumpleto ang 68-61 panalo laban sa Knights sa Game Two ng best-of-three finals kagabi sa Mall of Asia Arena, Pasay City.
May 13 puntos si Sorela at siyam rito ay ginawa sa ikatlong yugto. Inangkin niya ang huling walong puntos ng Red Lions upang mabalewala ang pag-iinit ni Mark Cruz at manatiling nakalamang sa pagpasok ng huling yugto, 52-49.
Binuksan ng Knights ang huling yugto sa pamamagitan ng 5-0 bomba para kunin pa ang 54-52 bentahe pero si Sorela ay mayrong apat na puntos sa 6-0 rally ng San Beda para makuha ang 58-54 kalamangan.