NAGBIGAY ng ultimatum si Davao City Mayor Rodrigo Duterte sa mga drug pusher na nakatira sa Dewey boulevard sa lungsod na meron na lamang sila hanggang bukas para umalis kung ayaw nilang mapatay.
Naglabas ng babala si Duterte sa isinagawang joint command conference ng militar at pulis noong Lunes.
Idinagdag ni Duterte na meron siyang listahan ng mga pinaghihinalaang drug pusher sa lungsod kayat hindi mahirap para sa kanya na gawin ang kanyang balak.
MOST READ
LATEST STORIES