Alonzo tinukso kay Ryzza: Ano ba kayo, batang-bata pa kami! | Bandera

Alonzo tinukso kay Ryzza: Ano ba kayo, batang-bata pa kami!

Ervin Santiago - October 28, 2015 - 02:00 AM

ryzza mae

Tuwang-tuwa ang entertainment press na dumalo sa presscon ng bagong endorsement ng anak ni Niño Muhlach na si Alonzo, ang Frabelle Bossing Hotdogs na dating ineendorso ni Sen. Chiz Escudero.

E, kasi nga, nakakaloka ang kakulitan ng bagets, bukod sa napakabibo nito ay nagpa-kitang-gilas din siya sa pagkanta at pagsasayaw. Siyempre, proud daddy naman ang dating child wonder na si Onin na palaging kasama ni Alonzo sa kanyang mga showbiz events.

Actually, dalawang magkasunod na presscon ang pi-nuntahan ng 5-year-old child star, una na nga ang para sa Halloween movie na “Wang Fam” produced by Viva Films at ang ikaapat na endorsement nga niyang Frabelle Bossing Hotdogs.

At sa dalawang mga nabanggit na presscon ay laging present si Niño, “Kinalimutan ko na muna ang sarili kong career para mabantayan ang anak ko. And he’s only five years old at kailangan niya ang guidance ko more than the fame na ini-enjoy niya at the moment.

“It’s a sacrifice on my part dahil, masayang-masaya ako kapag nagtatrabaho at nakakatanggap ng awards sa mga directorial projects. Pero kaila-ngan ko unahin ang anak ko, dahil nakita n’yo naman kung gaano kakulit.

Mas makulit kaysa akin nu’ng bata pa ako,” pahayag pa ni Onin. Tawa naman kami nang tawa nang itanong kay Alonzo kung crush pa rin niya si Ryzza Mae Dizon na balitang madalas niyang dinadalaw kapag wala siyang shooting.

Sagot ng bagets na tila sumimangot, “I said, we are only friends, ano ba kayo? We are still batang-bata pa.” Ngunit napansin namin na kapag tiningnan na siya ng kanyang tatay kapag sumosobra na ang kakulitan niya ay tumatahimik naman si Alonzo.

Ipinagmalaki din ng dating child wonder na sa kabila ng pagtatrabaho ng bata ay consistent pa rin ang pagiging honor student nito.  “Proud naman ako sa anak ko, dahil, matalino. Honor student siya sa Montessori Greenhills,” anito.

Ayon naman sa mga may-ari ng Frabelle Bossing Hotdogs, swak na swak si Alonzo bilang endorser ng kanilang produkto dahil bukod sa kilalang-kilala na ngayon ng consumers ang bata ay talagang mahilig itong kumain ng hotdog sa totoong buhay.

Sabi nga ng manager ni Alonzo, ang colleague and friend nating si tita Aster Amoyo, ang Frabelle ang unang kumpanyang nagtiwala sa bagets dahil nagsisimula pa lang daw ang anak ni Onin ay suportado na nila ang mga proyekto nito.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending