SI Amy Perez ang sumunod kay Kim Chiu na ini-launch bilang ATC Healthcare endorser para naman sa produktong Strike Multi Insect Killer Spray na may iba’t ibang variants.
At ayon mismo sa TV host-radio anchor ay matagal na niya itong ginagamit dahil mas mura kumpara sa ibang brand na kilala na gayung mas safe pa raw itong gamitin dahil water-based.
At ang maganda ay buong mag-anak silang kinuhang endorser ng ATC Healthcare kaya may nagbiro kay Amy kung package deal ba silang pamilya. “Nakakatuwa na kinuha kami kasi this is also the first time na (kinuha) kami and legal (mag-asawa) na kami na magkasama sa iisang proyekto kaya happy ako,” pahayag ng UKG host.
Naikuwento rin ni Amy na during the photo shoot ay nakita niya na ang isa sa anak nila ni Carlo ang nagpaparamdam na gustong mag-showbiz, “Kasi alam niya ‘yung gagawin niya, alam niya ‘yung anggulo niya, excited siya kaya sabi namin ni Carlo, mukhang nangangamoy showbiz.”
Parehong abala sa kanilang mga trabaho ang mag-asawang Carlo at Amy kaya natanong sila kung paano nila hinahati ang oras para sa mga anak.
“Actually, ang nakakatuwa sa mga boys namin ay hindi namin napag-uusapan, even si Adi (pa-nganay) who’s now 18 years old, minsan kapag nasa labas kami at may babati sa akin ng, ‘hi Tyang Amy or ‘hi Amy’, sasabihin ni Adi, ‘Mom you know her?’ sasabihin ko, ‘no, it’s part of mama’s job’ tapos sasabihin ni Adi, ‘ay oo nga pala, artista ka.’
“They keep forgetting that kasi kapag nasa bahay kami, ang alam lang nila, nanay ako na nagtatrabaho, so makikita nila ako sa TV, like last time, binidyo ko sila kasi umere ‘yung news ni Carlo (TV5 reporter), sa nakita nila sa TV, ‘si dada, si dada, si Carlo Castillo’ so naaliw sila. Hindi pa namin formally nasasabi sa mga bata (TV persona-lity kami) unlike si Adi na nakakaintindi na.
“Kasi kami ni Carlo, mayroon kaming role na pagka-Sa-turday/Sunday, isa sa amin nasa bahay, kung may raket ako ng weekend, siya nasa bahay, ‘yun ang day-off.
“Just to make sure na hindi naiiwan lang ang mga bata sa kasama namin sa bahay, meron isa sa amin na laging nandoon. “Ang hirap ngayon kasi panghapon siya (Carlo), dati panggabi siya, kapag ganitong during the day nagwo-work ako, nasa bahay siya kasama ang mga bata,” nakangiting kuwento ng TV/radio host.
Naikuwento rin ng TV host na may sariling oras din silang dalawa lang ni Carlo, “Tuwing Friday, kaming dalawa lang, either manood ng sine or discover ng new restaurant, importante iyon para sa aming dalawa.”