Walang nakikitang problema si Richard Gomez sa pagpapatuloy ng kanyang acting career sakaling manalo siyang mayor sa Ormoc sa darating na 2016 elections.
Natanong kasi si Goma sa nakaraang presscon ng seryeng You’re My Home kung magpapahinga muna siya sa showbiz kapag umupo na siyang alkalde ng Ormoc, at paano na ang balik-tambalan nila ni Dawn Zulueta na patok na patok pa rin ngayon sa mga manonood.
“Well, I can work on weekends. Wala namang problema yun, and everything can be worked out naman,” sey ni Goma. Pabirong dugtong ng award-winning actor, “Kung manalo ako, I will bring the show to Ormoc.
And dun tayo magtatrabaho, du’n tayo gumawa ng teleserye.” Mabenta pa rin talaga until now ang CharDawn tandem, pagkatapos ng blockbuster movie nilang “The Love Affair” ay may follow-up project agas sila, ito ngang You’re My Home, “Masaya naman kami ni Dawn.
Kami kasi, kapag may project kaming dalawa, pinag-uusapan talaga namin. “Hindi yung kapag may offer, tanggap kaagad. Pinag-aaralan namin. Will this project be good to our tandem? Will this be lasting? Will this make an impression? Dapat ganu’n, e.
“Magiging commercially viable ba ito? Do we think magiging successful ba ito? Maraming factors kaming kinu-consider ni Dawn when we do a project together,” sabi pa ni Goma.