SA dami ng tatakbo, tiyak na mahihirapan na makuha ng mananalong presidente ang boto ng majority ng mga Pilipino.
Nariyan ang malalaking pangalan gaya ni dating Sec. Mar Roxas, Sen. Grace Poe, Vice President Jejomar Binay, at Sen. Miriam Defensor-Santiago.
At syempre nariyan pa ang ibang naghain ng certificate of candidacy na maaaring payagan din ng Commission on Elections gaya ni OFW Family Rep. Roy Seneres—kung nakatakbo sila noong 2013 polls at nakapanalo ng partylist (na ibinoboto sa buong bansa), bakit nga naman sila hindi patatakbuhin sa 2016?
Kung magbabago pa ang isip ni Davao City Ma-yor Rodrigo Duterte ay baka magbago pa lalo ang mukha ng halalan, dahil pwede pa siyang mag-substitute hanggang Disyembre.
Dahil nga plurarity president ang posibleng maihalal sa 2016 elections, tiyak na patatagan ang magiging laban ng mga presidentiables kahit na ang vice presidential race kung saan mas marami ang tumatakbo.
Kilala na ang mga malalaking pangalang tumatakbo, kaya naman kahit papaano ang mga botante ay mayroon nang napupusuan o nasa isip nila na iboboto.
Mas malinaw na ang pagpipilian kaya naman ang survey na gagawin sa Disyembre ay mahalaga.
Dito ay magkakaalaman kung sino ang nakalalamang at kung gaano kalaki ang kanyang lamang sa iba pang kandidato.
Hindi sana ganito kung ang naging katandem ni Roxas ay si Poe. Kung Ro-xas-Poe ay tapos na raw ang boksing.
Siguradong todo kayod ang mga kandidato, walang nakatitiyak o nakasisiguro kung sino ang lalabas na panalo. Hindi ito katulad noong tumakbo sa pagkapangulo si Joseph Estrada na napakalayo ng kanyang kalamangan kay noon ay Speaker Jose de Venecia.
At kung noon ay marami na ang gustong tumalon ng bakuran dahil hindi umaangat ang rating ni Roxas may mga nagdadalawang-isip na nga-yon.
Magkakatabi na ang numero ng mga presidentiable kaya naman nakalalamang umano si Roxas na hawak ng administrasyon. Alam ng lahat na tutulong si Pangulong Aquino upang manalo si Roxas para maipagpatuloy ang kanyang sinimulang Tuwid na Daan.
Kung maliit lang ang lamang kay Roxas ng kanyang kalaban, naniniwala ang marami, na madali itong mababawi ng administrasyon.
Kailangang lumaki ng husto ang lamang ni Poe o ng iba pang kandidato para makuha ang suporta ng mga nag-aalinlangan.
Hindi naman maiiwasan na may mga tsismis na ginagamit ng administrasyon ang pondo at resources nito para manalo si Roxas.
Aminin natin na mahirap itong ihiwalay ang gobyerno sa pulitika. Hindi naman ito bago sa ating kasaysayan.
Hindi naman maaari na magbitiw si Aquino sa pagkapangulo para maikampanya niya si Roxas.