PNoy handang magpakasal kahit bago matapos ang kanyang termino

pnoy1
SINABI kahapon ni Pangulong Aquino na nakahanda siyang magpakasal kahit hindi pa tapos ang kanyang termino sa Hunyo 30, 2016 sakaling dumating ang tamang babae para sa kanya.

“Even before June 30, 2016, if the right person comes around,” sabi ni Aquino nang tanungin ng mga miyembro ng Foreign Correspondents Association of the Philippines (FOCAP) sa Parañaque City.

Ito’y sa harap naman ng pananatiling binata ni Aquino.

Wala namang nauugnay ngayon kay Aquino matapos namang ilang beses na maungkat ang isyu sa kanyang love life mula nang maupo siya noong 2010.

Samantala, sinabi ni Aquino na nakahanda siyang magbigay ng payo sa mananalong susunod na pangulo ng bansa sakaling hindi lumusot ang kanyang pambato na si dating Interior secretary Mar Roxas.

“I’d like to think that if my help is requested by anybody, then I should always be willing to help anybody regardless of the status. And, again, I also follow my mother’s dictum of not offering unsolicited advice. So I’d like to be of help but to be, how should I say it, a nuisance to anybody who succeeds after me,” ayon pa kay Aquino.

Read more...